Dr. Willie Ong, nanumpa na bilang bagong miyembro ng Aksyon Demokratiko

138

Pormal nang nanumpa si Vice Presidential aspirant Doc Willie Ong kay Presidential aspirant at Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso bilang bagong miyembro ng Aksyon Demokratiko.

Si Domagoso, bilang pangulo ng Aksyon Demokratiko, ang nanguna sa oath taking ceremony kanina.


Present din sa seremonya ang maybahay ni Ong na si Dr. Liza Ong, gayundin si Aksyon Demokratiko Chairman Ernest Ramel.

Una nang nag-anunsyo si Moreno ng kanilang tambalan ni Ong sa 2022 elections.

Facebook Comments