Tinalakay sa isinagawang committee hearing ng Sangguniang Bayan ng Bayamabang ang ibat ibang teknikal na isyu ukol sa “An Ordinance Providing the Guidelines for the Operation and Maintenance of Apartment-Type Bonery Owned by the Municipality of Bayambang, Pangasinan, Imposing Fees Therefor and for Other Purposes.”
Sa ginanap na pandinig, ilan sa tinalakay ng mga ito ang maximum na ilalagay na buto at magkano ang ibabayad para rito. Pinag-usapan rin ang paraan ng pagbibigay ng notice sa mga pamilya sa pag-transfer ng mga buto ng yumao nila lalo na ang mga area kung saan nadadaanan at natatapakan ng mga tao.
Kung maaari daw sana ay iisa-isahin nila ang mga nakalibing para Madali nila mahagilap kung sino ang mga binigyan nila ng notice sa pagtatransfer.
Para sa mga indigent naman, kailangan ay ma-certify sila ng DSWD.
Agaran namang bibigyan ng notice ang barangay captain upang ipaalam sa pamilya sakalig ma-identify agad ang yumao ng pamilya.
Dagdag pa nila, libre naman daw ang pagpaparehistro sa opisina ng mga patay na kailangang irehistro. |ifmnews
Facebook Comments