Draft IRR ng Anti-Terrorism Law, ilalabas sa susunod na linggo – DOJ

46

Nakatakdang ilabas sa susunod na linggo ang draft Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act 11479 o ang Anti-Terrorism Act of 2020.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ang draft IRR ay ipiprisenta sa Anti-Terrorism Council sa October 14.

Pagkatapos aniya nito ay saka ito ilalathala.

Tumanggi mula si Guevarra na magbigay ng detalye hinggil sa nilalaman ng draft IRR hanggang hindi ito naaaprubahan ng ATC.

Pagtitiyak ng kalihim na wala itong probisyon hinggil sa social media regulations na mariing tinututulan ng ilang grupo.

Sa ilalim ng batas, binigyan ang DOJ at ATC ng hanggang 90 araw para bumuo ng IRR.

Facebook Comments