Draft ng Bangsamoro Basic Law, isusumite na ng Malacañang sa Kamara ngayong linggo

Manila, Philippines – Isusumite na ng Malacañang sa Kamara ang draft ng Bangsamoro Basic Law (BBL) anumang araw ngayong linggo.
Isang buwan na ang nakalipas mula ng ibigay ng Bangsamoro Transition Commission ang final draft nito kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, ipauubaya na nila sa mga mambabatas kung pag-iisahin nila ang BBL draft sa panukalang batas na una nang inihain ni Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo.
Matatandaang ipinahayag ng Pangulong Duterte na sesertipikahan niyang ‘urgent’ ang panukalang BBL.

Facebook Comments