Draft ng EO para sa anti-smuggling task force, nakatakdang isumite ng DOJ sa Malacañang

Magsusumite ang Department of Justice (DOJ) ng draft ng Executive Order sa Malacañang na magtatalaga ng “on call” anti-smuggling task force sa mga kaso ng economic crimes.

Sa press briefing, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na patuloy ang imbestigasyon nila sa agricultural smuggling sa bansa, hindi lang sa sibuyas.

Pinaplantsa na rin aniya ng DOJ ang pagbuo ng permanenteng task force na pamumunuan ng executive directors.


Kailangan aniya ng permanenteng ad hoc body hindi lang para sa agricultural smuggling kundi ng iba pang economic crimes na may kaugnayan sa Bureau of Customs.

Matatandaang noong Hulyo, ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na imbestigahan ang pagpuslit ng sibuyas at iba pang agricultural products dahil isa umano itong uri ng economic sabotage.

Facebook Comments