Manila, Philippines – Ipinasasapubliko na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang draft federalism na binalangkas ng consultative committee o con-com.
Ito ay matapos umani ng batikos mula mismo sa economic managers ang draft ng federalism.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nais ng Pangulo na marinig ang feedback ng iba’t-ibang stakeholder para lalong mapaganda ang pagbalangkas sa pederalismo bago isumite sa Kongreso.
Nilinaw naman ni Roque na hindi ito nangangahulugan na hindi kuntento ang Pangulo sa naging trabaho ng con-com at ang pagtanggap ng feedback ay bahagi na rin ng public discourse.
Kasabay nito, itinanggi naman ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na “patay” na ang isinusulong na pederalismo.
Giit ni Andanar, tila nagpa-“power nap” lang ang gobyerno at bumubuwelo para sa gagawing kampanya.
Plano ngayon ng Malacañang tutukan ang kampanya para mapalaganap ang kaalaman tungkol sa pagpapalit ng uri ng gobyerno.