Manila, Philippines – Matatanggap na ni Pangulong Rodrigo duterte ngayong araw ang panukalang federal constitution na binuo ng Consultative Committee (Con-Com).
Nakatakdang ibigay ng Con-Com ang draft ng bagong konstitusyon kay Duterte sa seremonyang gagawin sa Malacañang mamayang hapon.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mahalagang hakbang ito para sa pagsasakatuparan ng pangako ng Pangulo tungo sa federal government.
Layunin ng federal constitution na resolbahin nito ang mga problema sa ilalim ng unitary system of government kabilang ang overconcentration ng kapangyarihan sa national government at ang gulo sa Mindanao.
Facebook Comments