Draft ng water concession agreement, patuloy pa ring binabalangkas

Nilinaw ng Department of Justice (DOJ) na nasa proseso pa rin ng pagbabalangkas sa ilang probisyon ng kontrata ng mga water concessionaire sa bansa.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra – patuloy silang nakikipag-ugnayan sa ilang sangay ng gobyerno para sa input ng mga ito kung ano pa ang mga dapat baguhin sa water concession agreement.

Kung ikukunsidera aniya ang legal na usapin, alam na niya ang mga dapat baguhin sa kontrata.


Pero giit ni Guevarra – hindi pa rin dito natatapos dahil kailangan pa rin ang rekomendasyon ng iba pang ahensya ng gobyerno partikular ang Department of Finance (DOF) para maisa-alang-alang din ang ekonomiya ng bansa sa ilalabas na revised contract.

Iginiit din ni Guevarra – ang pagrerebisa sa water concession agreement ay hindi hakbang ng pamahalaan para takutin ang mga investor.

Ginagawa aniya ito ng Duterte administration para maging maayos at maprotektahan ang mga consumer.

Tiniyak ng DOJ na kasama sa revised contract ng Maynilad at Manila Water ang pagbabawal sa mga ito na singilin at bawiin sa mga consumer ang corporate income tax.

Facebook Comments