Manila, Philippines – Ipinagmalaki ni DTI Secretary Ramon Lopez na tapos nang mai-draft ang ASEAN Economic Community blueprint para sa taong 2025.
Sa isinagawang Preparatory Meeting ng ASEAN Economic Ministers sa Marriot Hotel, sinabi ni Lopez, na handa nang ipatupad ang implementasyon ng naturang blueprint para sa mas matagumpay na ASEAN Economic Council meeting sa 2025.
Paliwanag ni Lopez nakapaloob umano ang Sectoral Action Plans o SAP at Consolidated Strategic Action Plan o CSAP sa binuo nilang blueprint para sa darating na 2025.
Giit ni Lopez, isa itong magandang progreso upang higit pang mapag-ibayo ang mga hakbangin tungo sa pag-unlad ng bawat bansang kasapi ng ASEAN.
Facebook Comments