Draft policy ng network unlocking sa mga mobile devices, inilabas

Manila, Philippines – Inilabas na ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang draft policy kaugnay sa mandatory unlocking ng mga mobile phones at devices kapag natapos nito ang kinakailangang lock-in period.

Base sa dokumento, ang Public Telecommunications Entities o PTEs ay kinakailangang i-unlock ang mobile devices kapag nakumpleto ng customer ang applicable postpaid service contract, device financing plan o pagbabayad ng isang applicable early termination fee.

Inaatasan din ang PTEs na abisuhan ang mga customer kung maari na bang ma-unlock o awtomatikong ma-a-unlock ang kanilang device na walang dagdag singil.


Kapag na-unlock na ang device, maaari nang magamit ng customer ang ibang network service provider.

Nakatakdang talakayin sa isang public hearinbg ng DICT at ng National Telecommunications Commission (NTC) ang nasabing draft memorandum circular.

Facebook Comments