Drag artist na si Pura Luka Vega, idineklara na rin persona non grata sa Maynila

Nagdesisyon ang 12th City Council of Manila na ideklarang persona non grata ang drag artist na si Amadeus Fernando Pagente na mas kilala bilang si Pura Luka Vega.

Ito’y matapos ang panggagaya niya kay Hesukristo habang sumasayaw at kumakanta ng remix version ng “Ama Namin” bukod pa sa pagsuot nito ng damit ng itim na Nazareno.

Sa desisyon ng Manila City Council, hindi nila palalapagsin ang ginawa ng drag artist upang hindi tularan ng iba.


Giit pa ng konseho, tila hindi nag-iisip si Pura Luka Vega kung saan importante rin para sa bawat Manileño ang kahalagahan at respeto sa itim na Poong Nazareno.

Paliwanag pa ng Manila City Council, hindi dapat gawin biro ang paggalang at pananampalatay ng bawat isa lalo na sa mga Katoliko.

Kaugnay nito, ang Maynila ang ika-apat na lokal na pamahalaan na nagdeklarang persona non grata kay Pura Luka Vega kung saan nauna nang ideklara ito ng General Santos City, Floridablanca sa Pampanga at Toboso, Negros Occidental.

Bukod sa pagiging persona non grata, nahaharap rin ang drag artist sa kasong kriminal na inihain ng ilang religous group.

Facebook Comments