Drag queen na si Pura Luka Vega, kinastigo ng isang kongresista

Nakatikim ng matinding sermon mula kay Bataan Representative Geraldine Roman ang drag queen na si Pura Luka Vega.

Hindi pinalampas ni Roman ang controversial video kung saan nakadamit na parang si Hesukristo si Pura at kinakanta ang rock version ng dasal na Ama Namin.

Giit ni Roman, ang ginawa ni Pura ay nagbibigay bahid sa buong transgender community.


Katwiran pa ni Roman, hindi pwedeng tawaging art ang pananakit sa damdamin ng ibang tao.

Para kay Roman, ang ginawa ni Pura ay malinaw na kawalan ng respeto sa relihiyon at damdamin ng ibang tao, pagiging makasarili, iresponsable at kawalan ng konsiderasyon.

Facebook Comments