Hinimok ng isang mambabatas sa La Union ang kaukulang imbestigasyon ng Pamahalaang Panlalawigan sa isang drainage canal na direktang umaagos sa baybayin ng dinarayong San Juan Beach.
Base sa patunay na footage, kapansin-pansin ang kulay abo na tubig na umaagos sa canal patungo sa baybayin.
Dahil dito, hinimok na agad matugunan ang naturang isyu para sa kaligtasan ng mga turista at mga lokal na naliligo sa baybayin dahil sa posibleng sakit na makuha mula sa pag-agos ng maruming tubig.
Binigyang-diin na bahagi ito ng pagtitiyak na tumatalima ang mga establisyimento at iba pang pasilidad sa mga hakbang na naglalayong mapangalagaan ang kalikasan habang patuloy na umaangat ang turismo.
Facebook Comments










