
Ipinasa ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Drainage Master Plan ng lungsod upang makatulong sa pagtugon sa matagal nang problema ng pagbaha sa Maynila.
Ayon kay Domagoso, sinimulan ang plano noong 2021 at natapos bago siya muling bumalik sa City Hall ngayong 2025.
Laman ng master plan ang siyentipiko at teknikal na gabay para solusyunan ang pagbaha sa lungsod.
Sabi ni Domagoso, ang turnover na ito ay alinsunod sa utos ng Pangulo na ibalik ang “acceptance rule” sa LGU kung saan hindi na basta-basta maidedeklarang tapos ang isang proyekto hangga’t walang pirma ng pagtanggap ng lokal na pamahalaan.
Target nitong gawing unang “quality checker” ang mga mayor, gobernador, at maging barangay captain laban sa mga palpak na kalsada, aspalto, at flood control structures.









