Manila, Philippines – Binuksan ng lokal na pamalahaan sa isla ng Boracay ang kanilang drainage system para matukoy ang mga establisyimento na ilegal na nakakabit dito.
Ayon kay Rowen Aguirre, Executive Assistant ng Office of the Mayor, kanal lang ito na dapat labasan ng mga baha at hindi nang waste water galing sa mga banyo at kusina.
Kasabay nito, nadiskubre naman DENR-MIMAROPA sa kanilang inspeksyon na nasa 80 percent establisyimento ang walang permit to operate sa El Nido Palawan.
Nasa 150 lamang mula sa 500 establisyimento doon ang may environmental compliance certificate.
Dahil dito, binigyan ng DENR-MIMAROPA ng tatlong buwan ang mga ilegal na establisyimento na mag-self demolish na.
Facebook Comments