Matatandaan na bahagi sa proyekto ng kasalukuyang administrasyon sa dagupan city ang flood mitigation projects may layuning maibsan ang problemang pagbaha sa nasabing lungsod.
Tinutututukan ngayon ng lokal na gobyerno ng dagupan ang paggawa ng mga drainage system partikular sa brgy. Pogo chico dahil sa nararansang pagbaha kahit wala namang pag-ulan o hightide.
Planong pataasin ang kalsadahan at paggawa ng dalawang malaking drainage system para maibsan ang problemang pagbaha sa nasabing barangay sa lungsod.
Ilan na sa mga nasaikatuparang mga proyekto sa ilalim ng flood mitigation projects ang libreng panambak para sa mga flood-prone at low-lying areas sa mga sitio at barangay sa dagupan city, ang fisheries road project sa brgy. Malued na higit nakatutulong sa mga mag-aaral sa barangay mag-alis ng sapatos para lang makatawid papunta sa eskwelahan lalo na tuwing tag-ulan at may pagbaha.
Samantala, mayroong 20 milyon naman ang nakalaan na pondo para sa mga flood mitigation projects sa lungsod. |ifmnews
Facebook Comments