DRAINAGE SYSTEM SA ILANG LUGAR SA DAGUPAN CITY, ISASAAYOS

Isasaayos ang daluyan ng tubig sa ilang mabababang lugar sa Dagupan City na binabaha tuwing tag-ulan.

Nilibot ng tanggapan ang Bacayao Norte, Bayanihan Village sa Brgy. Caranglaan, Zamora Extension, Nava St. Tapuac at Brgy. Pantal para sa konstruksyon ng Phase 1 at Phase 2 ng mga proyekto.

Nakatakdang makipag-usap ang tanggapan sa mga homeowners, at tribike drivers hinggil sa elevation at pagsasaayos ng drainage sa Bayanihan Village, Caranglaan upang i-akma sa proyekto ng national government na road elevation ng isang metro sa lugar.

Target din na masimulan ang konstruksyon ng daan sa Maharlika Sitio Looban, sa parehong barangay.

Bukod sa mga kalsada, nagpapatuloy din ang konstruksyon ng gusali at pasilidad sa mga paaralan.

Kaugnay nito, desidido ang Pamahalaang Panglungsod na tugunan ang pangangailangan sa imprastruktura ng mga komunidad gamit ang buwis ng mga Dagupeño. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments