Drastic measure, pinag-aaralan ng MMDA na ipatupad sa mga sasakyang dahilan ng matinding traffic sa tapat ng La Salle Green Hills

Pinag-aaralan na ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang drastic measure para sa mga motoristang nagiging dahilan ng matinding traffic sa bisinidad ng La Salle Green Hills sa San Juan.

Ito ang pahayag ni MMDA Chair Romando Artes, kasunod ng pagpapadala nila ng sulat sa pamunuan ng La Salle dahil sa matinding traffic na dulot ng mga sasakyang naghahatid at nagsusundo ng mga estudyante sa naturang unibersidad.

Aniya, minsan ay umaabot pa hanggang Cainta sa Rizal ang traffic dahil sa nakabarang mga sasakyan sa tapat ng unibersidad.

Kapag naranasan ang traffic mula La Salle hanggang Cainta ay nasa walong kilometro ang haba nito.

Una rito, hiniling ng MMDA sa pamunuan ng La Salle para sa kanilang kooperasyon para maibsan ang nararanasang mabigat na daloy ng trapiko sa bisinidad ng paaralan.

Partikular na rito ang kahabaan ng Ortigas Avenue na isang major thoroughfare na ginagamit ng mga service at private vehicles na naghahatid-sundo sa mga estudyante.

Facebook Comments