Drayber, arestado matapos makuhaan ng ilang sa sachet ng shabu sa Taguig City

76

Huli ang isang lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit ng Taguig City Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Block 8, Panday Creek, Palingon Tipas, Taguig City kahapon.

Kinilala itong si Fidelino Alcaras, alyas Fidel, 54-anyos at residente ng Panday Creek, Palingon Tipas, Taguig City.


Sa ulat ng Taguig Philippine National Police (PNP), nakuha sa suspek ang limang piraso ng platic sachets na may lamang shabu na may bigat na 10.9 grams at may estimated value P74,120.00.

Sa ngayon, nakakulong na ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Facebook Comments