
Sugatan ang drayber ng tricycle at pasahero nito matapos mabangga ng isang SUV sa kahabaan ng kalsada sa Mabini, Pangasinan kahapon ng hapon, Marso 17, 2026.
Ayon sa ulat, binabaybay ng tricycle, na minamaneho ng isang 55-anyos na lalaki sakay ang 38-anyos na babae, ang kalsada nang kumaliwa ito.
Kasabay nito, nagtangka umanong mag-overtake ng isang SUV na minamaneho naman ng 32-anyos na lalaki at may pasaherong isang 36-anyos na lalaki.
Ngunit sa kasagsagan nito, nagsalpukan ang dalawang sasakyan. Sugatan ang driver at sakay ng tricycle na agad isinugod sa ospital habang hindi naman nagtamo ng sugat ang mga sakay ng SUV, ngunit isinailalim ang driver sa medical examination.
Nasira ang parehong sasakyan at dinala sa Mabini MPS para sa karampatang disposisyon.
Nagpapaalala ang mga awtoridad sa mga motorista na maging maingat sa pag-overtake at siguraduhing walang dumaraan bago lumiko o lumipat ng linya sa kalsada. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









