Drayber, Inaresto Matapos Umangal sa mga Nanitang Opisyal ng Brangay!

114

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang lalaki dahil sa paglabag nito sa Enhanced Community Quarantine sa Brgy. Fermeldy, Tumauini, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Domingo Laguindino, 41 anyos, at residente rin ng nabanggit na lugar.


Pasado alas 11:00 kagabi nang mahuli ang suspek na pagala-gala sa lansangan lulan ang minamanehong motorsiklo.

Umangal pa ang suspek sa mga opisyal ng barangay na nag-iimplimenta ng Enhanced Community Quarantine nang siya ay sitahin.

Dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments