Drayber, Kulong Dahil sa Droga!

114

Cauayan City, Isabela- Bagsak sa kulungan ang isang drayber matapos madakip sa inilatag na drug buybust operation ng mga otoridad sa Valle St, San Fermin, Cauayan City, Isabela.


Kinilala ang suspek na si Efren Vidal, 28 taong gulang, binata, residente ng District 2, Gamu, Isabela at pansamantalang nangungupahan sa Valle St, San Fermin, Cauayan City.

Sa nakalap na impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, nang makatanggap ng impormasyon ang himpilan ng pulisya ay agad na isinagawa ang operasyon sa suspek na nagresulta sa pagkakahuli nito sa pangunguna ni PMaj. Arturo Cachero at Intel Officer ng PDEA2.

Positibong nabili ng police poseur buyer sa suspek ang isang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Narekober sa pag-iingat ng suspek ang Php500.00 na buy bust money at isang unit ng cellphone.

Nakatakdang isailalim ngayon sa inquest proceedings ang suspek.

Facebook Comments