Drayber na nakatulog sa biyahe, na-aksidente; dalawa, patay; apat, sugatan

Sa Ilocos Norte, Patay ang dalawang pasahero ng isang SUV nang maaksidente ito sa national highway ng Brgy. 25 Pragata Pasuquin, in. nakatulog umano ang drayber na si Novelito Abaya Y Miguel, 52 taong gulang at nakatira sa Brgy. Cullalabo, Burgos, Isabela.

Ayun sa report ng Philippine National Police (PNP) Pasuquin, habang binabaybay ng drayber ang nasabing lugar, nakatulog ito at hindi na nakontrol ang manobela at nabangga pa nito ang poste ng kuryente, deretso sa palayan na pagulong-gulongpa. patay sa nasabing aksidente sina; Edmundo Martillano Y Peria, 61 taong gulang at Josephine Moises parehong taga Isabela. sugatan naman sina; Elizabeth Bucag, Brgy Treasurer; SK Chairman na si Junard Salacup, Eduardo Domingo Jr, Brgy. Kagawad.

Dadalo sana ang mga pasahero sa isang convention sa Laoag. inihahanda ng PNP ang posibleng ipila na kaso kontra sa drayber ng SUV. maaring haharap ito sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide.


Facebook Comments