Drayber na Nanggulo sa Cabatuan Isabela, Arestado Matapos Makuhanan ng Shabu!

Cabatuan, Isabela- Arestado ang isang drayber matapos manggulo at makuhanan ng shabu Pasado alas otso kagabi sa Brgy. Paraiso, Cabatuan, Isabela.

Kinilala ang nadakip na si Charito Manding, 39 anyos, may-asawa, isang drayber at residente sa naturang barangay.

Sa impormasyong nakalap ng RMN Cauayan, mayroon umanong mga tumawag na concerned citizen sa himpilan ng PNP Cabatuan at ipinagbigay alam na nangugulo ang naturang suspek na may dalang samurai at positibo pa sa alak.


Agad naman itong nirespondehan ng kapulisan at nagresulta sa pagkakahuli nito habang ng isinasailalim naman sa body search ay nahulog ang kanyang cellphone at ng matanggal ang takip ng baterya ay nahulog ang dalawang plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Samantala, napag-alaman din ng kapulisan na kabilang si Manding sa listahanng mga drug surrenderee kaya’t agad ding dinala ito sa kustudiya ng PNP Cabatuan para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments