DRAYBER NA TULAK NG ILEGAL NA DROGA, NADAKIP NG MGA AWTORIDAD

Cauayan City – Timbog ang isang drayber matapos nitong magpositibo sa ikinasang Anti-Illegal Drug Buy-bust operation kahapon, ika-10 ng Setyembre sa Brgy. Maranasan 1st, Ilagan City, Isabela.

Ayon sa ulat, naaresto ang suspek na kinilalang si alyas “Juan”, kabilang sa listahan ng mga Street Level Individuals.

Sa isinagawang operasyon, nakuha sa pag-iingat at kontrol ng suspek ang isang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, buy-bust money na kinabibilangan ng isang tunay na 1000 peso bill at dalawang pekeng 1000 peso bill, cellphone, cash, at dalawang lighter.


Matapos ang pagmamarka at pag-iimbentaryo ng mga nakumpiskang ebidensya, kaagad na dinala sa himpilan ng Ilagan City Police Station ang mga ito maging ang suspek para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments