Drayber na Wanted sa Batas, Arestado sa San Isidro Isabela!

Arestado ang isang drayber na wanted sa batas matapos itong silbihan ng mandamyento de aresto sa barangay Quezon, San Isidro, Isabela.

K in nilala ang akusado na si J-Rald Calinggangan, 28 anyos, walang asawa, at residente sa naturang lugar.

Nadakip ito matapos isilbi ang kanyang warrant of arrest na ipinalabas ni judge Ariel Palce ng RTC brach. 40 Cauayan City, Isabela sa kaso nitong paglabag sa RA 9262.


Pansamantala namang akakalaya ito kung nakakapaglagak ng inerekomendang piyansa na nagkakahalaga ng 24,000 pesos.

Samantala, agad namang dinala sa kustodiya ng San Isidro Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments