Drayber ng Motorsiklo, Patay matapos Masagasaan ang Ulo ng Pampasaherong Bus

1932

*Cauayan City, Isabela*- Patay ang isang tsuper ng motorsiklo matapos aksidenteng masagasaan ng pampasaherong Bus kaninang alas singko ng madaling araw sa Brgy. Sinamar Sur, San Mateo, Isabela.

Nakilala ang nasawing biktima na si Jeremias Ordillo Jr., nasa tamang edad at residente ng Brgy. Labay Bantay, Paracelis, Mountain Province habang kinilala ang suspek na drayber ng Bus na si Eddie Natividad, 59 anyos, may asawa at residente sa nasabing lugar.


Ayon kay PMAJ. Jeffrey Raposas, Hepe ng PNP San Mateo, kapwa binabagtas ni Ordillo at Naungayan ang pambansang lansangan na timog direksyon habang ang drayber ng bus ay nasa kabilang linya ng kalsada ng mag overtake si Ordillo sa kasunod na Van na aksidente namang bumangga sa likurang bahagi ng Van at nasagasaan ng pampasaherong bus na minamaneho ni Natividad na dahilan ng kanyang pagkamatay.

Dagdag pa ng hepe, inaalam pa ang magiging desisyon ng pamilya ng biktima kung sasampahan ng kaso ang drayber ng bus o aaregluhin nalang.

Sa ngayon ay nananatili pa rin sa kustodiya ng pulisya ang drayber ng bus habang ang drayber ng van na si Naungayan ay hiningan ng testimonya para sa damage ng kanyang sasakyan.

Paalala naman ng pulisya na ugaliing sundin ang batas trapiko at iwasan ang pag overtake sa lansangan habang nagmamaneho.

Facebook Comments