Drayber ng Motorsiklo, Patay Matapos Masalpok ng Sasakyan!

185

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang lalaki matapos mabangga ng sasakyan ang kanyang minamanehog motorsiklo sa pambansang lansangan ng Brgy Barucboc, Quezon, Isabela.

Kinilala ang biktima at drayber ng motorsiklo na may plakang BC 51455 na si Julius Duran, 62 anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Barucboc ng naturang bayan habang ang suspek na drayber ng Mercedez Benz na may plakang URX 286 na si Allan Bitonio, 41 anyos, walang asawa, magsasaka at residente ng Barangay 35 Pipias, Bacarra, Ilocos Norte.


Batay sa imbestigasyon ng pulisya, habang binabaybay ng suspek ang lansangan patungo sa Timog na direksyon ay biglang pumasok sa lansangan ang biktima lulan ang kanyang motorsiklo.

Dahil dito, nabangga ng suspek ang sasakyan ng biktima at tumilapon sa daan.

Nagtamo ng matinding sugat sa katawan ang biktima na dinala sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival (DOA).

Boluntaryo namang sumuko sa himpilan ng pulisya ang suspek na mahaharap sa kaukulang kaso.

Facebook Comments