DRAYBER NG TRAK DALAWANG HELPER NITO, HULI MATAPOS TUMANGGI SA INSPEKSYON AT SUBUKANG MAGTRANSPORT NG MEAT PRODUCTS GAMIT ANG PEKENG DOKUMENTO

Huli ang isang drayber at dalawang helper nito matapos na tumanggi sa inspeksyon at magtransport ng mga produktong processed meat gamit ang pekeng dokumento sa Tagudin, Ilocos Sur.

 

Ayon sa ulat, hinabol ng tauhan ng Animal Quarantine Checkpoint ang drayber ng trak at mga helper na kasama nito matapos na hindi tumigil para sa isang inspeksyon.

 

Nang maabutan ang mga ito, nakumpira ang laman ng trak ang nasa 600 kilo ng iba’t-ibang processed meat kung saan may tinatayang halaga na nasa 200,000 pesos.

 

Sa ngayon ay nasa ilalim na ng kustodiya ng Tagudin Animal Quarantine Office ang mga lumabag para sa tamang disposisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments