Huli ang drayber ng truck at helper nito matapos magpakita ng pekeng dokumento para sa mga dalang produktong manok sa Tagudin, Ilocos Sur.
Hinuli ang dalawang indibidwal ng tauhan ng Tagudin Animal Quarantine Office lulan ng puting van truck na naglalaman ng nasa 1,728 kilo ng iba’t-ibang chicken product na tinatayang nagkakahalaga ng nasa 333,145 pesos.
Nagpresenta umano ang drayber at kasama nito ng pekeng dokumento, malinaw na paglabag sa Animal Quarantine Ordinance.
Sa ngayon ay nasa ilalim na ng kustodiya ng Tagudin Animal Quarantine Office ang mga lumabag pati na rin ang mga produktong laman ng truck. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









