Drayber ng truck na umararo sa ilang sasakyan sa Batasan noong Huwebes, na-inquest na

Quezon City – Na-inquest na ang driver ng truck na umararo sa ilang sasakyan sa San Mateo-Batasan Road noong Huwebes.

Nahaharap ang truck driver na si Nilo Calimutan sa mga kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide, multiple physical injuries at damage to properties.

Ito ay dahil sa pagkasawi ng limang indibiwal at pagkasugat ng labing-apat na iba pa sa aksidente.


Nauna nang sinabi ni Calimutan na nawalan ng preno ang truck na kaniyang minamaneho dahilan para maararo niya ang mga sasakyan at madaganan ng bakal ang ilang biktima.

Humihingi rin ng tawad si Calimutan sa lahat ng mga namatay at nadamay sa aksidente.

Aniya, sana ay unawain siya dahil hindi naman niya sinadya ang pangyayari.

Tiniyak naman ni Calimutan na nagpasabi na ang kanyang amo na siya’y tutulungan sa mga kinakaharap na kaso.

Facebook Comments