
Patay ang tsuper nang aksidenteng maipit ito sa pagitan ng tapaludo at gulong ng trak sa inaayos nito na airbag suspension.
Nangyari ang aksidente sa Bypass Road, Brgy. Lalig, Tiaong, Quezon.
Kinilala ang biktima na si alyas “Ron” ng Butuan City, Agusan Del Norte.
Sa naging imbestigasyon ng Tiaong Municipal Police Station, sumuot sa ilalim ng trak ang biktima at inayos umano nito ang airbag suspension nang bigla itong mag-malfunction na nagresulta ng kaagarang kamatayan ng biktima.
Sa tulong ng Tiaong Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), naalis ang biktima sa pagkakaipit nito sa ilalim ng trak.
Facebook Comments









