Drayber sa Santiago City, Arestado sa Buy Bust!

51

Arestado ang isang drayber matapos itong magbenta ng shabu sa ikinasang buy bust operation ng kapulisan sa brgy. Dubinan West Santiago City.

Kinilala ang suspek na si Roderick de Guzman 42 anyos, may asawa at residente ng brgy. Calao West Santiago City.


Matapos itong mamanmanan ay nagsagawa ng operasyon kontra iligal na droga ang mga otoridad na naging dahilan ng pagkakadakip nito.

Nakuha mula sa kanya ang isang sachet ng shabu at limang daang piso na ginamit na buy bust money.

Batay sa report ay dati ng nasangkot sa kaso ng droga ang suspek at kakalaya lang nito sa kulungan.

Sa ngayon ay nakatakda namang isailalim sa inquest proceedings ang suspek.

Facebook Comments

From Advertisers