Dredging activity sa Marikina River, muling sinimulan matapos ang nagdaang bagyo

Muling sinimulan ang dredging activity sa Markina River.

Ito’y bilang bahagi ng patuloy na River Maintenance at Flood Control Efforts ng Pamahalaang Lungsod.

Ayon kay Marikina Mayor Maan Teodoro, sa kasalukuyan ay inaalis na mga naipong burak, basura, at iba pang sagabal sa ilog upang mapanatili ang maayos na agos ng tubig maiwasan ang pagbaha, mapalalim at mapalapad ang ilog upang tumaas ang carrying capacity nito.

Ang inisyatibang ito ay para matiyak ang kaligtasan, kaayusan, at kapakanan ng bawat pamilyang taga-Marikina o ng buong lungsod.

Facebook Comments