Dredging sa Cagayan River, sisimulan sa huling bahagi ng Enero

Kasado na ang gagawing pagpapalalim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Cagayan River.

Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, sa huling bahagi ng Enero ay pasisimulan na ang pagtanggal ng sandbars sa kahabaan ng masikip na bahagi ng Cagayan River.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), ang “Magapit Narrows” ay isang “constriction point” sa gitnang bahagi ng 500 kilometers na Cagayan River.


Sa ulat ng DPWH, ang tatlong sandbars ay may humigit-kumulang na kabuuang volume na seven million cubic meters at sumasakop sa 235 ektarya ng sandbars.

Ito ay matatagpuan sa Barangay Bangag sa bayan ng Lal-lo na may kabuuang 11.4 ektarya at may 334,305 cubic meters ng buhangin; Casicallan Norte, Gattaran na may 89 ektarya at 2.7 million cubic meters ng buhangin at sa Dummun, Gattaran na may 174.70 ektarya at mayroong 4.04 million cubic meters ng buhangin.

Ani Cimatu, sa 19 na “priority sandbars”, inirekomenda ng DPWH na unahin ang dredging sa tatlong sandbars sa Magapit Narrows dahil nakasasagabal ito sa daloy ng tubig baha sa Aparri Delta hanggang sa Babuyan Channel.

Facebook Comments