Drew Arellano, gusto na sundan ang bunso nila ng asawang si Iya Villania

Mukhang determinado ang TV host na si Drew Arellano na dagdagan pa ang mga anak nila ng asawang si Iya Villania.

Sa kanyang Instagram, inulan ng komento mula sa mga kaibigan sa showbiz si Drew makaraang mag-post ito ng picture ni Iya na nakasuot ng fitting dress sa kanyang trabaho.

Kalakip ng picture ang mapang-asar na caption ni Drew para sa asawa kung saan sinabi nito na “Guys, hinahamon talaga ako nito eh. Nang-a-ano si Mrs eh! Nak ng! Ano??? Ano??? Isa pang anak??? Ano.!? Kainis eh! #RAWR”


Bunsod nito, ilan kaibigan ng mag-asawa ang natawa sa post ni Drew.

Ito na ang pangalawang pagkakataon na na-hook si Drew sa pixie hair look ni Iya.

Sa ngayon ay tatlo na ang anak nina Drew at Iya matapos ipanganak ang kanilang bunso nitong nakalipas na buwan.

Facebook Comments