DRILL | Marikina PNP, nagkasa ng simulation exercise ngayong araw

Marikina City – Nagsagawa ng pagsasanay ang iba’t-ibang unit ng Marikina PNP sa isang mall sa lungsod.

Sa kanilang simulation exercise kanina, isang kunwaring active shooter o armadong suspek ang pumasok sa mall at nagpaputok.

Sa nasabi ring scenario ay may mga kunwaring tinamaan.


Ang drill ay mula sa pagtawag ng tulong sa PNP, ang response time o ang pagbyahe ng mga pulis mula sa himpilan hanggang crime scene, pagpasok sa mall, koordinasyon ng security ng mall, paglilikas ng mga mamimili hanggang sa pagdakip sa suspek.

Sinabi naman Ncrpo Deputy Chief for Operations, Chief Superintendent Gregorio Lim na susunod na pagsasanayan ang may kaugnayan sa pagtulong ng PNP sa pagsagip sa mga naipit sa baha malapit sa Marikina river.

Maliban sa Marikina nagsagawa rin ng kaparehong pagsasanay ang mga lungsod ng Pasig, San Juan at Mandaluyong.

Facebook Comments