Isasagawa na ang drilling activities ng Nido Petroleum Philippines sa bansa sa unang quarter ng 2023 para sa inaasahang oil exploration sa bahagi ng Northwest ng Palawan.
Sa inilabas na statement ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabi nito na nakakasa na ang site survey ng nasabing Australian company na nakatakda sa huling quarter na ito ng 2022.
Hudyat ito ayon sa pangulo sa intensiyon ng pamahalaan na ma-maximize ang resources ng bansa at upang lalong magka-interes ang foreign investors sa Pilipinas na nasa sektor ng paglalangis.
Ang Nido Petroleum ay nagsimulang mag-operate nitong nakaraang Pebrero at siyang magpopondo ng 100 percent sa development costs, kabilang na ang drilling, pagpapalawak ng well tests, at anomang aktibidad para sa nabanggit na oil exploration.
Sinabi naman ng pangulo na ang ganitong development ay bunga na rin ng tiwala ng investors dahil na rin sa ibinibigay na commitment ng gobyerno sa mga mamumuhunan na panatilihin ang investment incentives sa mga service contractor.