DRILLING NG WATER SYSTEM SA TAGARAN, SISIMULAN NA

CAUAYAN CITY- Pinaplanong simulan ng Cauayan City Water District ang paghuhukay ng bagong pumping station sa Brgy. Tagaran, Cauayan City, Isabela.

Sa panayam ng IFM News Team kay Department Manager B ng Water District Engr. Manolito Supnet, pansamantalang pinutol ang koneksyon ng tubig sa Brgy. Tagaran dahil nagkakaroon ng kakulangan sa suplay ng tubig kung saan nanggagaling pa ang kanilang suplay mula sa Centro.

Aniya, ang nasabing proyekto ay may lalim na isang daan at dalawampung metro at pinondohan ito ng mahigit limang milyong piso.


Dagdag pa niya, inaantay na lamang ang rig upang masimulan ang proyekto at inaasahang magiging operational ito sa susunod na taon.

Facebook Comments