Drilon at Roxas, ginagamit ng administrasyong pantakip sa horror stories nito

Manila, Philippines – Iginiit ng Liberal Party o LP na taktika ng gobyerno ang pagdawit kina Senate Minority Leader Franklin Drilon at dating Secretary Mar Roxas sa iligal na droga para makatakas mula sa kanilang sariling “horror stories.”

Kabilang sa horror stories ng administrasyon Duterte na tinukoy ng LP ang madaling pagkakapuslit ng P6.4-bilyong na halaga ng shabu sa Bureau of Customs sa kabila ng pinaigting na kampanya kontra droga ng gobyerno.

Tanong ng partido Liberal, nasaan ang tapang ng administrasyon laban sa droga at sa oposisyon pa pilit dinidikit ang droga.


Ayon sa LP, gumagawa ang Duterte admin ng mga katawa-tawa at hindi kapani-paniwalang mga kathang-isip para malihis ang atensyon ng publiko mula sa sarili nitong kwentong katatakutan.

Buo ang paniniwala ng Partido Liberal na ginagamit lang silang palusot ng administrasyong Duterte para takpan ang kanilang mga kakulangan, mga napakong pangako, at dahilan para itatag ang isang rebolusyonaryong gobyerno na lalong magpapalakas sa mala-diktador na pamamaraan ng pamumuno nito.

Facebook Comments