Drive-thru o mega vaccination site para sa mga riders, couriers, isinulong sa Senado

Iminungkahi ni Senator Joel Villanueva sa gobyerno na magtalaga ng mga drive-thru para sa bakuna o isang mega vaccination site para sa libo-libong delivery riders at couriers sa Mega Manila.

Ayon kay Villanueva, mabisang solusyon din ito para umarangkada ang paggamit ng 5.1 milyong bakuna na malapit nang mag-expire.

Paliwanag ni Villanueva, mapapabilis ang pagbabakuna sa mga delivery rider kung magtatalaga ng vaccination site nang hindi na kailangan pumila at makisabay pa sa mga LGU facility.


Diin ni Villanueva, bilang mga “essential workers,” ay malaking tulong ang mga riders sa mamamayan, lalo na noong panahong mahigpit na lockdown dahil sila ang nagdadala ng pagkain at iba pang mga pangangailangan.

Katwiran pa ni Villanueva, sila nasa “frontline” din, kaya marapat mabakunahan din sila sa lalong madaling panahon kasabay ng iba pang grupong sumasabak sa laban araw-araw.

Facebook Comments