Drive-thru RFID stickering, isasagawa sa Caloocan City

Ilulunsad ng pamahalaang lungsod ng Caloocan at ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) ang drive-thru RFID stickering sa Martes, ika-10 ng Nobyembre sa Caloocan City People’s Park.

Ayon kay Caloocan Mayor Oscar Malapitan, ito ay bilang suporta sa adhikain ng pamahalaan na gawing cashless at contactless ang pagbabayad sa mga expressway.

Sabi ni Malapitan, mas madali ang gagawin nilang drive-thru RFID stickering dahil may pre-registration at pupunta ka lamang sa oras na itinakda upang hindi masayang ang pagod at maubos ang oras sa pagpila.


Pinaalalahanan naman ng lokal na pamahalaan ang lahat na tiyaking kumpleto ang mga kinakailangang dokumento bago magtungo sa Caloocan City People’s Park at magpakabit ng RFID sticker.

Para sa mga Class 1 vehicles ay P500 ang kailangan para sa initial load habang P1,000 naman para sa mga Class 2 at 3 na sasakyan.

Facebook Comments