Drive-thru vaccination ng OVP, muling umarangkada; Vaccine Express, dadalhin na sa mas maraming lugar

Umarangkada na ulit ang Vaccine Express ng Office of the Vice President (OVP) para sa second dose ng COVID-19 vaccine ng mga delivery riders, jeepney at tricycle drivers sa Quezon City.

Sa tulong ng lokal na pamahalaan ng Quezon City, nabakunahan ng second dose ang mga frontliner mula sa sektor ng transportasyon na una nang sumalang sa drive-through vaccination site noong August 12 at 13.

Ang good news, madadagdagan pa ang mga probinsyang makaka-partner ng OVP para dalhin ang vaccine express sa mas maraming lugar sa bansa.


Ayon kay Vice President Leni Robredo, sunod nila itong dadalhin sa San Pedro, Laguna; San Fernando, Pampanga; at sa Cagayan De Oro City sa Mindanao.

Bago ito, libo-libong Pilipino na ang matagumpay na nabakunahan sa ilalim ng Vaccine Express sa Maynila, Naga City at Iriga City.

Facebook Comments