Driver, Arestado sa San Pablo, Isabela

San Pablo, Isabela – Nadakip ang isang driver kanina bandang ala una y medya ng hapon (1:30pm) sa Brgy. Minanga Norte, San Pablo, Isabela matapos isilbi ang Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Bernabe B Mendoza ng RTC Branch 23 – Roxas, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Edwin Guiquing, 47 anyos, may asawa at residente sa nasabing barangay.

Pinangunahan ni P/Lt. Revelito R. Jove, Deputy Chief of Police ang pagaresto kay Guiquing sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Multiple Physical Injuries and Damage to Property dahil sa kinasangkutang aksidente sa daan.


Sa ngayon ay nasa himpilan na ng PNP San Pablo ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments