
Siyam ang kumpirmadong nasawi sa nangyaring aksidente nang mahulog ang isang mini dumptruck sa National Rd. Brgy. Kalantukan Bayawan City Negros Oriental kaninang alas-11 ng umaga.
Ayon sa Chief of Police ng Bayawan City na si Lt. Col. Joesan Patallag, may dalang limang containers na crude oil pati electrical supplies ang nasabing sasakyan.
Samantala, tinatayang nasa 30 metro ang lalim ng bangin na hinilugan ng mini dump truck.
Nadala naman sa ospital ang walong empleyado ng City Agriculture Office at ang driver ng nasabing sasakyan ngunit idineklara na rin silang dead on arrival (DOA) dahil na rin sa tindi ng pinsala na kanilang natamo sa kanilang katawan.
Sa inisyal na imbestigasyon, nagmula ang mga nasabing empleyado ng Bayawan City Agriculture Office sa isang barangay at pabalik na sa city proper nang mawalan umano ng kontrol ang sasakyan sa pababang lugar na isang accident prone area.










