
Patay ang driver at angkas ng isang motorsiklo matapos mabangga ng isang kotse malapit sa isang pawnshop sa Tambo traffic light, Barangay Hinaplanon, Iligan City.
Batay sa imbestigasyon, ang kotse ay bumibiyahe nang timog na direksyon papuntang Lanao, habang ang motorsiklo naman ay patungong hilaga at sumubok na lumiko pakaliwa—kung saan, doon na naganap ang salpukan ng dalawang sasakyan.
Dahil sa insidente, parehong nasira ang motorsiklo at ang kotse, habang dead-on-the-spot ang dalawang sakay ng motorsiklo.
Sa kasalukuyan, nakadetine sa Police Station 1 ang drayber ng kotse upang harapin ang kaso, habang dinala naman sa Traffic Enforcement Unit (TEU) Office ang dalawang sasakyan.
Facebook Comments









