Thursday, January 29, 2026

DRIVER AT MGA PASAHERO NG UTILITY VAN, NASAKTAN SA BANGGAAN SA BINALONAN

Nasaktan ang driver at mga pasahero ng isang utility van matapos itong masangkot sa banggaan sa kahabaan ng national highway ng Barangay Bued, Binalonan, Pangasinan madaling-araw ng Enero 28.

Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, sangkot sa insidente ang isang truck tanker at ang naturang utility van na binabagtas ang nasabing lugar.

Napag-alamang paalis sa isang parking lot ang truck tanker nang aksidenteng bumangga ang utility van na patungo sa salungat na direksyon ang kaliwang likurang bahagi nito.

Dahil dito, nagtamo ng mga pinsala ang driver ng utility van at ang kaniyang mga pasahero.

Agad na dinala sa Urdaneta District Hospital ang mga nasaktan upang mabigyan ng kaukulang lunas, habang ligtas at hindi naman nasugatan ang driver ng truck tanker at ang kasama nito.

Kapwa nagtamo rin ng pinsala ang dalawang sasakyan, na patuloy pang tinutukoy ang halaga ng pinsala.

Samantala, dinala ang mga sangkot na sasakyan sa Binalonan Police Station para sa tamang disposisyon at karagdagang imbestigasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments