Driver at operator ng bus na sumagi sa ilang barriers sa EDSA Busway, binigyan ng show cause order ng LTFRB ayon sa MMDA

Kinumpirma ni Assistant Secretary Celine Pialago ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), na naglabas na ng show cause order ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa driver at operator ng bus na simagi ng concrete barrier ng EDSA Busway.

Aniya, pinadalhan na ng summon ang driver at operator ng Joanna Josh Transport ng LTFRB ngayong araw.

Iginiit din niya na kanilang irerekomenda sa Land Transplanted Office (LTO) na suspendihin ang lisenya ng driver ng nasabing bus.


Kahapon, nakunan ng video ang isa bus na may plate number CAP 5133 na dumaan sa EDSA Busway na mabilis ang takbo dahilan para matumba ang isang concrete barrier at masagi naman ang iba nito.

Nakita rin sa video na napatigil ang isang van dahil tinamaan ang sasakayan ng barrier.

Batay sa tala ng MMDA, ngayon buwan ay meron ng tatlong concrete barrier related incident sa EDSA Busway na puro naman self-accident.

Facebook Comments