Friday, March 27, 2026

DRIVER AT PASAHERO NG KULONG-KULONG, SUGATAN MATAPOS MABANGGA NG PICKUP TRUCK SA POZORRUBIO

Sugatan ang driver at pasahero ng isang kulong-kulong matapos mabangga ng pickup truck sa kahabaan ng national road sa Barangay Cablong, Pozorrubio, Pangasinan, gabi ng Marso 26, 2026.

Batay sa imbestigasyon, binabagtas ng pickup truck ang kalsada patungong hilaga habang kasalubong nito ang kulong-kulong na patungong timog.

Bigla umanong nag-U-turn ang kulong-kulong nang walang signal light at walang ilaw, dahilan upang hindi na ito maiwasan ng paparating na sasakyan.

Dahil sa banggaan, nagtamo ng pinsala sa katawan ang driver at pasahero ng kulong-kulong at agad na isinugod sa Pozorrubio Community Hospital para sa gamutan.

Hindi naman nasaktan ang driver ng pickup truck ngunit isinailalim din ito sa pagsusuri. Nagtamo ng pinsala ang parehong sasakyan na tinataya pa ang halaga ng pagkukumpuni. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments