Driver na nabigyan ng regalo ng RMN Foundation at Pfizer Phil, nagpamalas ng kabutihan sa kapwa

Napahanga ng isang food service driver o isang frontliner na naghahatid ng pagkain sa mga residente sa iba’t ibang parte ng Metro Manila ang Radyo Trabaho Team.

Kinilala ito na si Reynaldo Fontanilla, 43-anyos, isang food panda driver.

Kanina, sa pag-iikot ng RMN-DZXL558, nadaanan si Fontanilla na katatapos lang maghatid ng pagkain sa kanyang costumer.


Bilang pagsaludo sa mga kapwa frontliners ngayong may COVID-19, kinikilala ng RMN foundation at Pfizer Philippines Foundation ang  kanilang kabayanihan sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang basket ng samu’t saring prutas na may halong punong-puno ng pagmamahal.

Matapos tanggapin ni Fontanila ang prutas, nagpasalamat ito at sinabing masaya dahil binibigyan ng importansya ang kanilang trabaho.

Pag-alis ng Radyo Trabaho team, sa hindi sinasadyang pagkakataon, nasaksihan namin na iniabot niya ang regalong natanggap sa isang palaboy.

Hindi na naitanong pa ng Radyo Trabaho team kung ano ang dahilan kung bakit niya ibinigay ang prutas, pero ito ay isang malinaw na pagpapakita ng malasakit sa kapwa.

Ang nabanggit na driver na si Fontanilla ay may isang anak na may kondisyon sa kalusugan kaya’t agad itong umuuwi sa kanilang bahay para ito ay alagaan.

Facebook Comments